Kuh Ledesma

Sino Ang Baliw

Kuh Ledesma


Ang natutuwang baliw yaman ay pinagyabang 
Dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan 
May isang sa yaman ay salapi ang hinihigan 
Ngunit ang gintong baul panay kasalanan ang laman 

Sinasambit ng baliw awit na walang laman 
Ulo mo'y maiiling tatawagin mong hangal 
May isang hindi baliw, iba ang awit na alam 
Buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman 

Sinong dakila 
Sino ang tunay na baliw 
Sinong mapalad 
Sinong tumatawag ng habag 
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos 

Ang kanyang tanging suot ay sira-sirang damit 
Na nakikiramay sa isip niyang punit-punit 
May binatang ang gayak panay diyamante at hiyas 
Ngunit oras maghubad kulay ahas ang balat 

Sinong dakila 
Sino ang tunay na baliw 
Sinong mapalad 
Sinong tumatawag ng habag 
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos 

Ooh.....Ahh....... 

Sa kanyang kilos at galaw tayo ay naaaliw 
Sa ating mga mata isa lamang siyang baliw 
Ngunit kung tayo ay hahatulang sabay 
Sa mata ng Maykapal, siya'y higit na banal 

Sinong dakila 
Sino ang tunay na baliw 
Sinong mapalad 
Sinong tumatawag ng habag 
Yaon bang sinilang na ang pag-iisip ay kapos 

Kaya't sino, sino, sino nga 
Sino nga ba 
Sino nga ba 
Sino nga ba ang tunay na baliw