Ikot ng mundo, tila ay bumabagal Ngunit alam kong 'di na rin magtatagal Ang aking hinihintay ay makakamit 'Pagkat bughaw na ang kulay ng ating langit REFRAIN 1 Pilitin man ay 'di mo na mapipigil Ang kanyang pag-ahon, ang kanyang paggising CHORUS Ikaw lamang ang nais kong kapiling kung darating ang tag-araw Lagi na lamang aking nasasa-isip ang pagsapit ng tag-araw Sana ang init mo'y aking maramdaman Araw na nagdaan ay 'di ko na mabilang Sa 'king paghihintay, ako'y nasasabik Pinapanalangin na ang 'yong pagbabalik REFRAIN 2 Huwag mo na sana sa aki'y ipagkait Ang tanging hangarin na ika'y makapiling