Simple lang naman ang Aking pangarap Ang tayo ay lumipad at Maglaro sa ulap Nais ko lang nama`y makita kang nakangiti Ang makapiling ka sa Bawat sandali (Refrain) Lahat ay gagawin Lahat ay susuungin Lahat haharapin Lahat ay kakayanin (Chorus) Lilipad ako para lang sa`yo Lilipad ako sa dulo ng mundo Ang lahat ng ito`y para Lang sa`yo Dahil ang totoo Ikaw ang aking superhero Lahat magagawa hindi ako Matatakot Hindi mangangamba basta`t Ikaw ang nasa puso ko Kahit na mahirap,kahit na ako Ay maliit Ikaw ay tutulungan kahit buhay Ko ang kapalit (Repeat refrain) (Repeat Chorus 2x)