Ano bang meron 
Ka na wala sa iba
At napapatunganga
Tulala sa 
Ganda ang madla
Halos di na 
Magkandaugaga

36-24-36, oh, flawless
Materiales fuertes
Ang kulang pa ba 
Sa buhay mo'y ano

Ano pang masasabi 
The best ang ugali
Gusto ng marami
Ang sarap pang magluto 
Lahat paborito
Panalo ka mismo
Kahit na anong 
Topic pang pag-usapan
Anything under the sun
Ang kulang pa ba 
Sa buhay mo'y ano

Chorus:
Kung si Snow White 
May Prince Charming
At si Darna ay may 
Sidekick na Ding
Si Adan ay may Eba 
Florante may Laura
Si Malakas may Maganda
Ang kulang na lang 
Sa buhay mo'y ano
Ang kulang na lang 
Sa buhay mo'y ako

Ako na ang 
Rekadong eksakto
Para sumarap pa ang luto
Ako na siguradong 
Kasalo, kakwento
Kaporma, kasama
Kung ikaw at ako 
Equals us so perfect
Ang daming naiinggit
Dahil kulang na lang 
Sa buhay mo'y ako

(Chorus)

Ay nako, ba't di pa 
Ako ang pinili mo