MNL48

Talulot Ng Sakura

MNL48

Ang liwanag ng araw ay tanaw sa bintana ng silid
Ang tagsibol ay malapit na'ng hangganan
Makikita na nakauniporme habang nasa klase ang lahat
Mukhang handa na sa hamon ng buhay

Kanya-kanyang kinabuksan
Tatahakin ng bawat isa
Pakpak ng pangarap
Natin nagsimula nang bumuka

Tuwing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid ay dinig mo ang kampana ng pag-asa
Bigay sa atin ay tapang at kalayaang
Mamili ng pupuntahan

Tuwing ang talulot ng sakura ay sumisibol
Sa paligid, may nananalanging kayanin niya sana
Pagsubok na dulot ng bagong mundo
Pintuang bubuksan na pinili ko

Ang awayan sa telepono ay sa iyakan nag-wakas
Naaalala at hinahanap-hanap
Magkasamang naranasan kalungkutan at ang saya
Kahit na kailan, 'di naiwang mag-isa

Nakangiti sa 'king larawang
Pagtatapos ng pag-aaral
Pagpalit ng panahon
Hudyat na rin ng sayonara

Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Kasabay ng pag-akyat sa hagdan ng pagtatapos
Sa asul na langit, habang nakatingin
Humihinga ng malalim

Mga butil ng luha ay kusang nahuhulog
Mga alaala na kay ganda, pumapaimbulong
Sa pagtahak sa bagong yugto ng ating buhay
Mga kamay, sabay-sabay nating 'wagayway