Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak Ganyan ang indak ng mga bombilya Kikindat-kindat, kukurap-kurap Pinaglalaruan ang iyong mga mata Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak Ganyan ang kurap ng mga bituin Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok Koronahan ng palarang bituin Iba't ibang palamuti Ating isabit sa puno Buhusan ng mga kulay Tambakan ng mga regalo Tumitibok-tibok, sumisinok-sinok 'Wag lang malunod, sasabihin (Pupulu-pulupot) Paikot nang paikot Koronahan ng palarang bituin Dagdagan mo pa ng kendi Ribbon eskoses at bonita Habang lalong dumadami Regalo mo'y dagdagan