Gagong Rapper

Buti Pa

Gagong Rapper


Mabuti pa kutsara lagi mong sinusubo 
Mabuti pa ang tuwalya ginagamit pagkayumot(?) 
E ako, lagi mo kong iniisantabi 
Hindi ko na ma-take, masyado na 'tong grabe 

CHORUS 
Buti pa, buti pa, buti pa 
Buti pa, buti pa napapansin mo ang iba 
Bakit ba, bakit ba, bakit ba 
Bakit ba, bakit ba ang minamahal mo ay iba 
Pa'no ba, pa'no ba, pa'no ba 
Pa'no ba, pa'no ba magiging tayong dalawa 

Buti pa ang tindera, sinasabihan mo ng mahal 
Buti pa ang chismis na lagi mong dinadaldal 
E ako, kahit kailan hindi mo pinagmalaki 
Ngayon, init ng iyong yakap hinahanap tuwing gabi 

Buti pa ang bilanggo, sa kanya'y may dumadalaw 
Buti pa ang ibon sa taas lagi mong tinatanaw 
E ako, kahit isang sulyap 'di mo pinagbigyan 
Buti pa ang radyo mo lagi mong pinapakinggan 

At buti pa ang papel lagi mong sinusulatan 
Buti pa ang microphone lagi mong inaawitan 
Ano bang wala sa akin at hindi mo magawa 
Na tila sa pag-ibig na ito kailangan pa ng himala 

Buti pa sa salamin mo ika'y nagpapa-cute 
Buti pa ang nanay mo sa singit mo laging nakakurot 
Pero kahit gano'n, katulad ko'y 'di mo pansin 
Pero asahan mo girl, pag-ibig ko'y sa 'yo pa rin now 

[Repeat CHORUS] 

Ngayon, buti pa ang pera, nasa 'yong pitaka 
Buti pa ang lolo mo may kiss sa mukha 
E ang picture ko, wala sa wallet, wala ring kiss 
Hanggang kailan ba ako sa 'yo, kid, magtitiis 

Buti pa ang lipstick dumadampi sa iyong labi 
Buti pa ang teddy bear sa gabi ay katabi 
E ako, paano ba, ha, sa 'yo walang halik 
At kailan ba maririnig 'pag katabi, naghihilik 

At buti pa ang unan nasa 'yong kandungan 
At buti pang upuan iyong sinasandalan 
E sa 'kin kaya, kelan kaya ka sasandal 
Para aking pagkapagod tuluyan nang matanggal 

At buti pa ang phone sinasabihan mo ng hello 
Buti pa 'pag winter nilalaro mo ang isnow 
At buti pa sa iskul lagi kang nagiging busy 
At buti ka pa, kid, lagi ka na lang nagiging happy 

At buti pa ang hangin iyong mong nilalanghap 
Mabuti pa ang sulat iyong tinatanggap 
E ako at pag-ibig ko, kailan tatanggapin 
Ang lumuhod sa altar, kid, ginawa na rin 

[Repeat CHORUS twice]