Sa lumang simbahan, aking napagmasdan Dalaga't binata ay nagsusumpaan Sila'y nakaluhod sa harap ng altar Sa tig-isang kamay, may hawak na punyal Kung ako'y patay na, ang hiling ko lamang Dalawin mo, giliw, ang ulilang libing At kung maririnig mo ang taghoy at daing Yao'y panghimakas ng sumpaan natin CHORUS At kung maririnig mo ang tugtog ng kampana Sa lumang simbahan, dumalaw ka lamang Lumuhod ka, giliw, sa harap ng altar At iyong idalangin ang naglahong giliw