Di malinaw ang aking dati-rating Pagtingin sa iyong pagdating Nangako sa dumaan na bituin Na hindi na magmamahal muli Sayang ang oras at panahon Yan ang aking inakala noon At sa katigasan ng aking ulo Ay bigla na lang nahulog sa'yo Pero puso, ingat na lang Alam mo namang ito'y pansamantala lang At di mo alam kung sino ang mangiiwan Di ko naman sinadyang sumugal Nagulat na lang bigla ka nang minahal At kahit alam kong di magtatagal Ay sumabak pa rin sa laban Pero puso, isipin mo lang Alam mo namang wala siyang ibang katulad Sabihin mo na, bago pa tayo tuluyang lumisan O puso, sayang naman Manghihinayang ako pag sadyang Linimutan ang nagiisang kasintahan Dito na lang Harap-harapan, sana'y wala tong hangganan Sabihin mo lang Kung ayaw mo kong lumisan At sa bituing pinangakuan noon Buti na lang di nagkatotoo Balik-baliktarin ko pa ang aking mundo Ay babalik at babalik sayo Ay babalik at babalik dito