Agaw Agimat

Price Tag

Agaw Agimat


Binilhan mo s'ya ng relo 
Mga polo at telepono 
Nanood kayo ng sine 
Nilibre mo pa pati pangtaxi 

Binigyan mo pangtuition fee 
Niregaluhan ng kotse 
Pinatira mo sa bahay mo 
Pinahiram mo lahat ng gamit mo 

Ba't ngayo'y may presyo 
Pagkat di na magkasundo 
Lahat ngayon ay nakalista 
Nang di na kayo magsyota 

Pinautang ka ng malaki 
Pinagbibigyan ka lagi 
Kahit anong hiling binibili 
Mahal ka raw n'ya talaga kasi 

Lahat ng iyon ay bigay 
Bago pa kayo magkahiwalay 
Simbolo ng pagmamahal 
Bago ka pa nya sinakal