May kaba sa aking dib-dib May ligalig sa aking isip May nadaramang kaguluhan Sa puso nati'y puno ng digmaan Gumugulo sa aking isipan Gustong isigaw nararamdaman Mga pusong luhaan Mga pasakit, kailan maibsan Nasan nga ba ang pag-ibig? Ba't nadarama'y ligalig Nasan nga ba ang pag-ibig? Di nyo ba kami naririnig? Mga batang walang kinabukasan Pakalat-kalat sa lansangan Magsasakang walang makain Kanino kaya kanilang aanihin Mga sundalo sa walang kwentang digmaan Butas ang sapatos, walang laman ang tiyan Mga manggagawang nagpapanday Walang matir'han, wala pa ring bahay