Tulad ng isang ibon Tao ay lumilipad Pangarap ang tanging nais Na marating at matupad Isip ay nalilito Pag nakakita ng bago Lahat ng bagay sa mundo Ay isang malaking tukso Bakit pa luluha Bakit maghihirap Itoy laro lamang Sa mundong makasalanan Tubig ay natutuyo Bulaklak ay nalalanta Araw ay lumilipas Sa gabi rin ang punta Bakit pa luluha Bakit maghihirap Ayaw mang mangyari Ay di masasabi Sasaktan mo lamang Puso ay huwag sugatan Itoy laro lamang Sa mundong makasalanan Tulad ng isang ibon Tao rin ay namamatay Pangarap nyang tanging nais Makarating sa kabilang buhay